Higit P600-K na halaga ng shabu, nasabat sa 3 lalaki sa Taguig

Humaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong construction worker na nahulian ng mahigit ₱600,000 na halaga ng shabu.

Kinilala ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Joher Padao alias “Johner,” 24 yrs. old construction worker; Jeric Baluyot, 28 yrs. old at Amor Ocusan, 46 yrs. old, recruitment agent sa Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Nakuha sa mga suspek ang 17 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu.


May bigat itong 91 grams at may standard drug price na ₱618,800, isang genuine ₱1,000 bill na nasa ibabaw ng walong ₱1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at black coin purse.

Facebook Comments