13K NA TRABAHO, ALOK SA 127TH PHILIPPINE INDEPENDENCE JOBS FAIR SA REHIYON

Nasa mahigit 13, 000 na mga trabaho ang inaalok sa isasagawang 127th Philippine Independence Jobs Fair sa darating na June 12, 2025.
Sa abiso ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 1, iba’t-ibang mga kompanya ang magbubukas ng oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho sa Region 1.
Isasagawa ang malawakang jobs fair sa SM City Rosales, Pangasinan.
Samantala, inabisuhan ang mga interesadong job seekers na tingnan na ang mga nauna nang job vacancies upang maihanda ang aplikasyon sa pamamagitan ng inilagay na Qr code. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments