33 internationals at domestic flights ang naapektuhan ng aberya ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa Mactan-Cebu Airport International Airport runway.
Kabilang sa mga naantala ang paglipad ng tatlong international flights patungong Incheon, Pudong at Narita.
Pasado alas-2:00 kaninang madaling araw nang lumapag sa Cebu ang eroplano ng PAF at tumalbog ito sa runway kung saan na-stuck ito ng ilang oras.
Pasado alas-5:00 na ng madaling araw nang bumalik sa normal ang operasyon sa runway ng Mactan-Cebu Airport International Airport.
Facebook Comments