Kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan na sa Martes

Good news sa mga motorista dahil mapuputol na ang 11 week streak ng oil price increase.

Batay sa huling pagtaya ng mga kumpanya ng langis, mayroong ₱0.20 hanggang ₱0.40 na bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at gasoline.

Habang maglalaro sa ₱0.50 hanggang ₱0.70 ang tapyas sa kada litro ng kerosene.


Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakaapekto rito ang banta ng US Federal Reserves ng mas mataas na interest rate.

Inaasahang ilalabas ang official price adjustment bukas at epektibo rin agad ito sa Martes, September 26.

Facebook Comments