Mahigit 1200 mga kandidato sa BSKE, napadalhan ng show cause order ng COMELEC dahil sa paglabag sa election law

Umaabot na sa mahigit 1200 ang naipadalang show cause order ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidatong nakitaan ng mga paglabag sa election laws and regulations.

Sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudianggco na sa bilang na ito 300 mga kandidato ang tumugon na.

Ayon pa sa opisyal na sa ilalim ng batas, na kapag makatanggap ng show cause order ang isang kandidato, kailangan itong tumugon sa loob ng tatlong araw, at kung hindi ay sasampahan na sila ng kaso.


Ilan aniya sa mga kasong ito ay ang paglabag sa Section 18 o maagang pangangampanya na may parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon.

Habang ang mga lumabag naman aniya sa iba’t ibang panuntunan ay mabilis lamang masolusyunan at ang pinakamabilis na resolusyon dito ay tanggalin sila sa listahan ng mga kandidato bago pa man sumapit ang eleksyon sa October 30.

Facebook Comments