Pag-iipon ng smog sa ilang bahagi ng Metro Manila, dahil umano sa temperature inversion ayon sa DENR

Dahil sa buga ng usok mula sa volume ng sasakyan o vehicle emission at di dahil sa Taal smog ang pagsama ng kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Metro Manilla.

Sa isang pahayag, sinabi ng Environment Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi dahil sa climate phenomenon ang pag-iipon ng smog sa Metro Manila.

Ayon sa EMB, ito ay dulot ng tinatawag na temperature inversion.


Masyado umano madami ang mga sasakyan lalo na tuwing rush hour na nagbubuga ng usok, dahilan para maipon sa hangin ang mga particulate matter.

Dagdag ng EMB, magkakaiba ang air quality depende sa oras at lugar at batay sa pinanggagalingan ng polusyon at sa meteorological condition.

Nitong 11 am batay sa air quality index monitoring ng DENR, very unhealthy ang kalidad ng hangin sa mga sumusunod na lugar:
Caloocan
Makati
Paranaque
Pateros

Facebook Comments