PBBM, nagpaalala sa mga ahensya ng gobyerno na tiyaking walang bahid ng anomalya ang pagpapatupad ng Walang Gutom Food Stamp Program

Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaukulang ahensya ng gobyerno na hindi mangyayari ang anomalya sa pamamahagi ng Electronic Benefits Transfer (EBT) card sa mga benepisyaryo ng Food Stamp Program.

Ito ay matapos pangunahan ng pangulo ang kick off ceremony ng nasabing programa sa Surigao del Norte.

Sa kaniyang talumpati, inatasan ng pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking walang bahid ng anomalya ang pamamalakad sa Food Stamp Program upang maipatupad ito nang tama at mahusay.


Para naman sa mga benepisyaryo, umapela ang pangulo na wag sayangin kundi gamitin sa tama ang kanilang EBT cards.

Siniguro ni Pangulong Marcos, na sa ilalim ng programang ito, walang gutom na pilipino, lahat aniya ay produktibo at may positibong pananaw sa buhay.

Facebook Comments