Mariing itinanggi ni Senator JV Ejercito ang pahayag ni Rigoberto Tiglao, kolumnista at dating Presidential Spokesperson sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo, na may pangako noon ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Paalala ni Ejercito kay Tiglao, ang dating administrasyong Arroyo ang nagkulang dahil sa panahon na iyon nangyari ang pagsuporta sa unang pasok ng salvo ng panghihimasok ng mga Chinese sa pamamagitan ng kontrobersiya na NBN ZTE deal.
Giit ni Ejercito, napaka-inconsistent at common sense ng akusasyon kay dating Pangulo Estrada gayong ito ang nag-utos na ilagay sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre bilang simbolo ng ating soberenya at marka ng ating nasasakupang teritoryo.
Hindi naman malaman ng senador kung saan nanggaling ang pahayag ni Tiglao na ang ama niya ang nagbigay ng commitment na alisin ang BRP Sierra Madre sa ating karagatan sa West Philippine Sea.
Konklusyon naman ng mambabatas, anuman ang kanilang nakikita kay dating Pangulong Estrada ay mayroon itong paninindigan na ipaglaban ang ating soberenya at territorial integrity laban sa super power na China na siyang dapat na ipinagpatuloy o ginawa ng dating administrasyong Arroyo.