Taiwan, mangangailangan ng daan-daang libong migrant workers kabilang na ang mga Pinoy

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na 800 migrant workers kabilang na ang mga Pilipino ang kakailanganin ng Taiwan sa Disyembre.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas sa kanilang manufacturing at domestic workers sector.

Ayon sa MECO, ang mga kukuning manggagawa ng Taiwan ay ide-deploy sa 4 na malalaking kompanya doon.


Ang minimum aniyang magiging sahod ng manggagawa ay ₱37,000.

Sa ngayon, halos 150,000 ang mga Pilipino sa Taiwan.

Facebook Comments