Umarangkada na ngayong araw ang debate sa plenaryo ng Kamara ukol sa panukalang P5.768-T 2024 national budget.
Binigyang diin ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, na bukod sa pagbangon mula sa pandemya, ay tatlong pangunahing programa ang pagtutuunan ng administrasyon sa susunod na taon na nakapaloob sa pambansang budget.
Ayon kay Co na kabilang sa naturang tatlong legacy na nais pagtuunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ang specialty hospitals, pabahay at food security.
Samantala, binanggit naman ni Commitee Senior Vice Chairperson and Marikina Representative Stella Quimbo na deliberasyon ng budget sa plenaryo ay inaasahang mauungkat ang usapin ukol sa confidential and intelligence funds.