13th month pay at December 2022 pensions ng mga pensioner, matatanggap na simula ngayong araw, December 1

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ilalabas na ngayong araw ang 13th month pay at pension ng mga pensyonado nito.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino, abot sa P29.74 billion ang nakatakda nilang i-release na pondo para sa may 3.36 million pensioners.

Layon aniya nito na may magamit ang mga pensioner sa panahon ng holiday rush.


Ngayong araw, December 1, 2022, ipalalabas na ng SSS ang first batch ng pensions kung ang date of contingency ay mula first hanggang 15th ng buwan.

Habang ang second batch ay nakatakdang i-release sa December 4, 2022 kung ang date of contingency ay mula 16th hanggang huling araw ng buwan.

Ang mga SSS na may disbursement account sa mga non-PESONet participating banks ay matatanggap ang kanilang pensyon ng hindi lalagpas ang December 4, 2022.

Pinakiusapan na rin ng SSS ang Philippine Postal Corporation na pabilisin ang paghahatid ng tseke.

Facebook Comments