13th month pay, dapat ibigay ayon sa DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maibibigay ang 13th month pay ng mga empleyado bago ang December 24, 2020

Ito ang paglilinaw ni DOLE Sec. Silvestre Bello III kasunod ng nauna niyang pahayag na maaaring ma-delay ang pagbibigay ng 13th month pay dahil maraming kompanya ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bello, hindi pwedeng ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay at hindi sila magbibigay ng exemptions dahil ito ay nakasaad sa batas.


Aniya, required pa ring magbigay ang mga distressed company ng 13th pay at hinahanapan na nila ng paraan para matulungan ang mga ito.

Sa katunayan aniya ay hiniling na nila sa Department of Finance (DOF) na mabigyan ng subsidiya ang mga distressed company.

Facebook Comments