13th month pay, ibigay sa mga empleyado nang mas maaga – Lady Solon

Inoobliga ni Assistant Majority Leader at Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo na i-release ng mga private sector employers ang 13th month pay nang mas maaga sa December 25.

Ang panawagan ng kongresista ay kasunod ng pagbawi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa naunang suhestyon na ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga maliliit na kumpanya at negosyo at sa halip ay ibigay na ang bonus bago ang December 25 deadline salig na rin sa labor law.

Ayon kay Castelo, makatutulong nang malaki sa mga empleyado at manggagawa kung ibibigay nang mas maaga ng kanilang mga employer ang bonus lalo na sa mga may problemang pinansyal ngayong may pandemya.


Kung maibibigay nang maaga ang 13th month pay ay maiiwasan ang pangungutang ng ilang mga manggagawa at makapagpaplano rin nang mas maayos sa kanilang mga gastusin ang mga pamilya ngayong darating na Pasko.

Naniniwala rin ang mambabatas na pagpapakita ng malasakit sa mga manggagawa at empleyado ang maaagang pagbibigay ng Christmas bonus.

Facebook Comments