14-anyos na babae, pinatay ng nobyo matapos akalaing buntis

6454

Napatunayang may sala ang ngayo’y 14-anyos na lalaki sa pagpatay sa isang babae sa pag-aakalang buntis ito at siya ang ama.

Ayon sa mga tagausig ng kaso, inamin ng suspek ang naturang krimen na isinagawa niya umano habang nasa labas ng kanilang bahay sa Canton, Ohio ang biktima na kinilalang si Sylvia McGee, 13.


Sinasabing nagawa ng hindi pinangalanang lalaki ang pagpatay matapos marinig ang usap-usapang buntis si McGee at pinaniniwalaan niyang siya ang ama ng dinadala nito.

Ngunit lumalabas sa imbestigasyon na hindi nagdadalantao ang biktima at walang katotohanan na sila ay magkasintahan.

“That is what I believe got this whole thing started. There was no evidence of any other reason for this,” saad ni Assistant Prosecutor Michelle Cordova.

Dagdag pa niya, ang maling impormasyon ang nasa likod ng malagim na trahedya na tinuturing pa nilang, ‘the worst of the worst cases’.

Sa ngayon ay nasa youth prison ang suspek at mananatili roon hanggang siya ay tumuntong sa 21 taong-gulang.




Patung-patong na kaso gaya ng murder, obstructing justice by giving false and misleading information to police, at accompanying gun specification ang hinaharap ng lalaki.

Samantala, maaari pang tumagal sa kustodiya ng mga pulis ang suspek hanggang mangyari ang paglilitis sa darating na Enero.

Facebook Comments