14-anyos na lalaki, patay matapos masagasaan ng dump truck habang nagbibisikleta

Isang 14-anyos na lalaki ang nasawi matapos masagasaan ng isang dump truck habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Queens, New York, alas 2 ng hapon, Sabado.

Kinilala ang biktima na si Mario Valenzuela, 14, na sinasabing dead on the spot.

Ayon sa pulisya, nagbibisikleta ang biktima sa Borden Ave. sa ilalim ng Pulaski Bridge sa Long Island City nang biglang kumanan ang truck papuntang 11th St. at dito nabangga ang bata.


Agad itong naipalaliman ng truck at dito na nasawi.

Samantala, hindi kumbinsido ang pamilya ng biktima sa nangyari at hiling raw nila ang buong katotohanan.

Ayon sa kanila, ang 33-anyos na drayber ay hindi raw umano nabigyan ng charges.

Nais nilang malaman kung mayroon bang kasalanan ang naturang drayber dahil wala din naman raw pahayag na inilabas ang Limited Interior Group, ang kumpanya kung saan nagtatrabaho ang truck driver.

Sinabi ni Elias Astudillo, pinsan ng ina ni Mario, “We don’t want irresponsible drivers out there.”

“It could happen to another kid. We want them to find what happened. We want the truth and we want justice,” dagdag pa niya.

Giit naman ng ina ng biktima, wala raw umano silang natatanggap na report mula sa pulisya.

Aniya, “We spoke with one of the detectives, but that’s all. We don’t know anything else. We don’t know what happened. I heard things, but nothing official from anybody. We don’t know anything and we want to know why.”

Gusto rin daw nilang makita ang katawan ng anak subalit isang litrato lamang umano mula sa morgue ang ipinakikita ng awtoridad.

Hindi raw nila ito kayang paniwalaan dahil ayon umano sa pulisya, sira at hindi raw makikilala ang katawan ng bata.

Ibinahagi ng nanay ni Mario na mahilig raw magbisikleta ang anak sa nasabing lugar.

Ayon pa sa ulat, si Mario ay ika 21st na siklista na namatay na sa naturang lugar ngayong taon.

Sa pahayag naman ni Sen. Mike Gianaris, ang representative ng lugar, “Every cyclist death is tragic and preventable. We’ve had far too many this year and it’s clear we must do a lot more to keep cyclists safe.”

Sa kabilang banda, iginiit naman ni Ellen McDermott, deputy director ng advocacy group Transportation Alternatives, na dapat raw sisihin ang mga malalaking truck na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga siklista.

Dagdag niya pa, “Mario did not have to die. Like so many of the 21 other cyclists dead this year, Mario was killed on a street with no protected bike lane. Without a network of protected bike lanes New York cyclists will continue to suffer preventable deaths.”

Hanggang ngayon ay humihingi pa ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Facebook Comments