Nailigtas ang isang 14-anyos na dalagita mula sa mga lalaking nangkidnap at nanggahasa sa kanya sa isang motel sa California.
Sa pamamagitan ng Snapchat, nailigtas ang biktima mula sa suspek na kinilalang si Albert Thomas Vasquez, 55 na sinasabing kinidnap siya nitong Martes, Enero 21.
Ayon sa ulat ng San Jose police, pinagamit ng droga ang biktima kaya nawalan ito ng malay saka ginahasa sa loob ng sasakyan.
Makailang saglit pa ay tinawag daw ni Vasquez ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Antonio Quirino Salvador, 34; at Hediberto Gonzales Avarenga, 31 saka idinala ang biktima sa isang motel.
Agad na binibitbit ng mga suspek ang babae sa ikalawang palapag ng Z 8 Motel at dito na ginawa ang krimen.
Base sa report, matapos ang panghahalay ay nakahingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kaibigan.
“The victim used her Snapchat account to notify friends she was kidnapped and did not know her location,” ani Sgt. Enrique Garcia.
Nakuha ng mga ito ang lokasyon ng kaibigan kaya agad silang nakipag-ugnayan sa mga pulis.
Samantala, nahuli si Vasquez at humaharap sa kasong kidnapping to commit rape, digital penetration with a child with force, false imprisonment at rape by intoxication or controlled substance.
Sunod na nahuli ang dalawang iba pa at agad na inaresto.
Kasalukuyan namang nasa maayos na kalagayan ang biktima na nakabalik na sa kanyang pamilya.