![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2024/12/14-BARANGAYS-SA-QUIRINO-PINARANGALAN-SA-2024-EAGLE-AWARDS.jpg?resize=696%2C696&ssl=1)
Cauayan City — Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government Quirino ang 14 na barangay mula sa lalawigan na ginanap sa Isabela Convention Center, Cauayan City, Isabela.
Ito’y dahil sa kanilang natatanging pagganap sa 2024 Excellence Award on Governance and Leadership (EAGLE) Awards.
Kabilang sa mga ginawaran ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) ay ang Barangay Palacian at San Leonardo sa Aglipay, Calaocan sa Cabarroguis, Andres Bonifacio, Baguio Village, at San Antonio sa Diffun, at La Paz sa Saguday.
Nanguna naman ang Barangay Andres Bonifacio sa Diffun bilang Most Outstanding Lupong Tagapamayapa Regional Winner para sa kategoryang 1st to 3rd Class Municipality.
Ang EAGLE Awards ay isang programa ng DILG Region 2 na layong kilalanin ang mga natatanging lider at mabubuting gawain sa lokal na pamamahala.