Patay ang 14 na bata matapos lumubog ang isang ferry sa Mekong River sa Cambodia.
Ayon kay Kandal Provincial Police Chief Chhoeun Sochet, lumubog ang ferry dahil sa overloading at kapabayaan ng may-ari ng bangka.
Dagdag pa rito, wala ring life jackets sa ferry na magsasalba sana sa mga pasaherong estudyante na edad 11 hanggang 14 taong gulang.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Cambodian Prime Minister Hun Sen sa mga naulilang pamilya habang patuloy namang pinaghahanap ang isa pang estudyante.
Nagpaalala naman ang otoridad sa mga residenteng malapit sa Mekong River na mag-ingat dahil patuloy ang mga insidente ng pagbaha roon.
Facebook Comments