14 cargo planes, naipadala ni Sen. Pacquiao para maghatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad

Tone-toneladang relief goods na ang inihatid ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Kabilang sa relief goods na dinala ni Pacquiao ay mga food items tulad ng bigas, de-lata at inuming tubig.

Nagbigay rin si Pacquiao ng essential non-food aid tulad ng mga kumot at solar powered led lights para magbigay liwanag sa libo-libong mga tahanan na nawalan ng supply ng kuryente.


Sa anim na araw mula ng buuin ni Pacquiao ang “United Relief Operations” kabilang ang Manny Pacquiao Foundation at mga pribadong kompanya at organisasyon ay 14 na cargo planes na ang napadalhan ng saklolo sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Pacquiao, kailangan pa ng maraming saklolo kaya’t patuloy ang kaniyang panawagan ng tulong para sa mga nabiktima ng Bagyong Odette.

Facebook Comments