14 COVID-19 Survivor, Naitala sa Lungsod ng Cauayan

Cauayan City, Isabela- ‘Fully recovered’ na ang labing apat (14) na nagpositibo sa COVID-19 mula sa Lungsod ng Cauayan.

Sa datos ng Cauayan City Health Office mula sa DOH Region 2 as of March 21, 2021, idineklarang gumaling na sa COVID-19 ang labing apat na tinamaan ng virus at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.

Ang mga gumaling ay sina CV9198 ng brgy. Cabaruan; CV9226, CV9227, CV9464 at CV9353 ng Brgy. District 1; CV9328, CV9330, CV9331, CV9332, CV9333, CV9334, CV9335 at CV9193 ng Brgy. Minante Uno at si CV10109 ng brgy. District 3 sa Lungsod ng Cauayan.


Sa kasalukuyan, bumaba sa 35 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga otoridad sa mga residente ng Lungsod kaugnay na sumunod sa minimum health protocols para makaiwas sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments