14-day interoperability test ng RFID System sa mga expressway, isasagawa ng toll operators

Napagkasunduan ng mga toll operators na magsagawa ng interoperability test sa Radio-Frequency Identification (RFID) System.

Kasunod ito ng pagpapatupad ng cashless at contactless transaction sa mga expressway.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), tatakbo ang nasabing test sa loob ng 14 na araw habang binigyan naman ng limang araw ang steering committee para tiyaking maayos ang RFID system performance.


Umaasa ang Toll Regulatory Board (TRB) na sa susunod na taon ay buo na nilang maipapatupad ang one sticker, one account sa mga pangunahing expressway sa bansa.

Facebook Comments