14-day quarantine ni Pasig City Mayor Vico Sotto, tapos na

101

Pisikal na balik-trabaho na si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos na mabuno ang 14 na araw sa quarantine facility.

Sa kanyang Facebook post kagabi, naka-thumbs up pa ang larawan ng alkalde nang ihayag nito na nag-negative na rin siya sa isinagawang RT-PCR Test sa huling gabi nito na naka-quarantine.

Si Sotto ay sumailalim sa 14-days quarantine period matapos na mamatay sa COVID-19 ang kanyang driver noong Marso 12.


Bagama’t nagnegatibo na noon sa unang isinagawang swab test, itinuloy pa rin ng alkalde ang pagsunod sa Department of Health (DOH) guidelines para sa close contact ng mga COVID-19 positive.

Pero nililinaw ni Sotto na iiwasan pa rin niya ang face-to-face meetings hanggang April 5, alinsunod sa Inter-Agency Task Force Resolution 104 para sa paghihigpit sa Greater Manila Area.

Facebook Comments