14 days Quarantine ng mga OFW sa isang Resort, Magtatapos na nang walang sintomas ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Matatapos na ang strict home quarantine ng nasa kabuuang 31 na Overseas Filipino Workers (OFW) na unang batch na sumailalim sa 14 days quarantine sa isang resort sa Cordon, Isabela.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sa Abril 13 ang huling araw ng kanilang pagsasailalim sa 14 days quarantine matapos umuwi ang mga ito sa probinsya mula sa iba’t ibang bansa.

Dagdag pa ng opisyal na hanggang sa ngayon ay walang kahit anumang sintomas ng nakamamatay na sakit ang nararanasan ng mga ito.


Samantala, tumugon naman ang Department of Information and Communication Technology-Isabela sa pagkakabit ng libreng wifi connections sa mga quarantine area ng mga ofw sa isang resort, Biazon Hostel sa ISU-Echague Echague District Hospital maging sa Southern Isabela Medical Center.

Sa pamamagitan nito ay makakatulong ang nasabing koneksyon sa mga OFW upang makausap ang kanilang mga mahal sa buhay gamit ang teknolohiya sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa mga ito.

Facebook Comments