14 indibidwal kabilang na ang apat na menor de edad, na-rescue ng NBI sa kamay ng dalawang human trafficker

Dalawang magkasabay na entrapment operation ang ikinasa ng National Bureau of Investigation – Rizal District Office (NBI-RIZDO) sa Taytay, Rizal ay natimbog ang dalawang indibidwal na sangkot sa human trafficking activities.

Nag-ugat ang operasyon dahil sa isang intelligence report na natanggap ng NBI-RIZDO mula sa isang non-government organization na nais iligtas ang ilang mga bata mula sa sexual exploitation sa Taytay, Rizal.

Agad nagsagawa ng online surveillance ang NBI at nang nakumpirma na ang ulat ay ikinasa na agad ang entrapment operation na nagresulta sa pag-aresto sa isang lalaki at isang babae dahil sa paglabag sa Republic Act no. 9208 o Anti-trafficking in Persons Act at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, kasabay nito ay nasagip ang 14 na biktima ng human trafiking.

Sa isinagawang pagsusuri base sa dental examination ng NBI-Odontology Division, napag-alaman na apat sa mga nasagip na biktima ay mga menor de edad.

Habang ang mga inarestong indibidwal ay ihaharap sa prosecutors office sa proceeding sa mga kasong isasampa laban sa dalawang indibidwal.

Facebook Comments