14 kandidato sa national post sa 2022 election, naghain ng COC kahapon

Naging matumal muli ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) sa ikalimang filing na pagkandidatura kahapon para sa 2022 national election.

14 na kandidato lamang ang naghain ng COC para sa national post na mas mababa sa naitala nitong lunes na nasa 31.

Sa bilang na 14, anim sa mga ito ay naghain ng kandidatura para sa pagkapangulo, isa sa pagkapangalawang pangulo at pito sa pagkasenador.


25 partylist nominees naman ang nadagdag sa naghain ng CONA.

Sa ngayon, simula October 1 ay nasa 26 na ang bilang ng mga COC na natanggap ng Comelec sa pagkapangulo; walo sa pagkapangalawang pangulo; 46 sa pagkasenador at 73 sa party-list nominees.

Facebook Comments