14 katao na napatay sa mga operasyon sa Negros Oriental, nanlaban – PNP

Pumalag ang Philippine National Police (PNP) sa report na umanoy “massacre” ang isinagawang operasyon sa Negros Oriental kung saan 14 na indibiduwal ang namatay.

Sa interview ng RMN Manila kay PNP Spokesperson, Police Colonel Bernard Banac, iginiit niya na simultaneous anti-crime operations ang isinagawa sa Negros Oriental sa bisa ng search warrant na inisyu ng local courts dahil sa posibleng pagkakamkam ng armas at pampasabog.

Iginiit ni Banac, hindi naman gagamit ng pwersa ang pulisya kung walang banta sa kanilang buhay.


Nanindigan din ang PNP na ang operasyon ay dumaan sa validation ng mga intelligence reports kung saan kumpirmadong ang mga suspek ay may kaugnayan sa mga rebeldeng grupo.

Bukas naman ang PNP sa mga grupong kukwestyon sa legalidad ng report kaugnay sa pagsasagawa ng operasyon sa Negros Oriental.

Sa nangyaring simultaneous anti-crime operations, walong katao ang namatay sa Canlaon, apat sa Manjuyod at dalawa sa Sta. Catalina.

Facebook Comments