Patay ang aabot sa labing-apat na katao matapos manalasa ng Bagyong Amphan sa India at Bangladesh.
Ayon sa Chief Minister ng West Bengal na si Mamata Banerjee, maraming mga bahay ang nasira matapos mag-landfall ang bagyo na may lakas ng hanging aabot sa 185 kilometer per hour.
Kabilang dito ang linya ng mga komunikasyon at suplay ng kuryente kung kaya’t nahihirapan ang mga residenteng makipag-ugnayan sa mga otoridad.
Sa ngayon, umabot na sa higit kalahating milyong residente ang lumikas dahil sa Bagyong Amphan.
Facebook Comments