14 katao, patay sa sunog sa isang COVID-19 hospital sa North Macedonia

Aabot sa 14 katao ang patay habang 12 ang naitalang sugatan matapos ang sunog sa isang COVID-19 hospital sa North Macedonia.

Ayon sa mga awtoridad, 26 na pasyenteng may COVID-19 ang kasalukuyang nasa loob ng ospital nang mangyari ang insidente.

Hinihinala namang sanhi ng sunog ang nangyaring pagsabog ng oxygen cylinder ng mga pasyente.


Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay si North Macedonian Prime Minister Zoran Zoey sa mga biktima ng insidente at tiniyak ang patuloy na pag-imbestiga sa sanhi ng trahedya.

Facebook Comments