Lalo pang lumakas ang bagyong Quinta habang papalapit sa Cantanduanes-Albay area.
Kaninang ala una nang hapon, huling namataan ang Severe Tropical Storm “Quinta” sa layong 95 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos ito sa pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h at pagbugsong 135 km/h.
Dahil dito, 14 na probinsya na ang itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal number 2 kabilang ang:
Catanduanes
Camarines norte
Camarines sur
Albay
Sorsogon
Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
Central at southern portions ng Quezon
Southeastern portion ng Laguna
Batangas
Marinduque
Romblon
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
Northern Samar
Signal number 1 naman sa:
natitirang bahagi ng Quezon,
natitirang bahagi ng Laguna,
Rizal
Cavite
Metro manila
Bulacan
Pampanga
Bataan
Southern portion ng Zambales
Calamian Islands
Northern portion ng Samar
Northern portion ng Eastern Samar
Northern portion ng Capiz
Aklan
Northern portion ng Antique
Northeastern portion ng Iloilo Inaasahang magla-landfall sa Catanduanes-Albay area ang severe tropical storm Quinta ngayong Linggo ng hapon o gabi.