Nasa 14 na lugar sa Luzon na ang nakapagtala ng higit 20% na COVID-19 positivity rate.
Batay sa datos ng OCTA Research Group kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
• Albay (25.4%)
• Cagayan (22.7%)
• Camarines Sur (28.4%)
• Cavite (27.1%)
• Isabela (36.3%)
• La Union (20.9%)
• Laguna (30.9%)
• Nueva Ecija (25.8%)
• Pampanga (23.2%)
• Pangasinan (21.0%)
• Quezon (27.5%)
• Rizal (21.7%)
• Tarlac (31.6%)
• Zambales (27.2%)
Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ang Isabela ng pinakamataas na positivity rate na umaabot sa 36.3% mula sa 25.7% noong July 23.
Samantala, umakyat naman sa 15% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region noong July 29 mula sa 14.5% nitong July 27 lamang.
Sa kabila nito, sinabi ni David na ang mga kaso ng COVID-19 sa ngayon ay hindi na gaano nakamamatay lalo na kapag fully vaccinated ang infected patient.
Pinaliwanag din nito na ang pagtaas ng kaso ng sakit ay hindi nangangahulugan na tumataas na rin ang hospitalization rate ng bansa.