14 milyong COVID-19 vaccines, darating ngayong buwan – Galvez

Aabot sa 14 na milyong doses ng COVID-19 vaccines ang darating ngayong buwan.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna ay binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Bukas, July 14 ang inaasahang pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines, at sa Sabado, July 17 naman ang pagdating ng 1.5 million doses ng Sinovac.


May darating naman na 1,170,000 doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor sa Linggo, July 18.

Sa Lunes, July 19 naman ang pagdating ng 3.2 million doses ng Johnson & Johnson at 562,770 doses ng Pfizer.

Sa July 21 hanggang 27 ang inaasahang pagdating ng 250,800 doses ng Moderna.

Nasa 2.5 million doses ng Sinovac ang darating sa bansa sa July 24 hanggang 25.

Sa July 26 naman darating ang 375,570 doses ng Pfizer.

Para sa buwan ng Agosto, may darating na 8.4 million doses ng Sinovac, 4 million doses mula sa COVAX, dalawang milyon mula sa Pfizer, 1,170,000 mula sa AstraZeneca na binili ng pribadong sektor, at isang milyong doses ng Moderna.

Sa kabuuan, nasa 16,570,000 COVID-19 vaccines ang darating sa susunod na buwan.

Facebook Comments