
Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang 14 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo sa katubigan ng Barangay Sinunuc, Zamboanga City.
Nangyari ang nasabing pagkakasamsam matapos maharang ng mga awtoridad ang isang bangkang de motor na may pangalang YANA-1.
Lulan ng nasabing naharang na bankang de motor ang 3 lalaki kung saan nagresulta ito sa pagkakarekober ng 350 master cases ng ibat-ibang sigarilyo.
Agad namang dinala ang bangka at ang cargo sa Regional Maritime Unit 9 Headquarters aa Baliwasan Seaside, Zamboanga City, para sa tamang disposisyon at legal na proseso sa ilalim ng RA12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.
Facebook Comments










