14 mula sa 20 blood samples ng mga alagang baboy sa Pilipinas, positibo sa ASF

Positibo sa African swine fever (ASF) ang ilang mga alagang baboy sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) matapos ang isinagawang pagsusuri sa United Kingdom ng mga ipinadalang blood sample.

Sa press conference, sinabi ni DA Secretary William Dar na 16 mula sa 20 samples ang nagpositibo sa ASF.


Ayon sa kalihim – pitong lugar sa bansa ang apektado ng ASF kabilang ang mga barangay ng San Jose, Macabud, San Isidro, San Rafael, Mascap sa Rodriguez Rizal; Barangay Cupang sa Antipolo, Rizal at Guiguinto, Bulacan.

Ayon sa kalihim, posibleng nagkaroon ng ASF sa bansa dahil sa mga canned meats na ipinapadala ng mga OFW o sa mga tira-tirang pagkain mula sa mga restaurants na ipinapakain naman sa mga baboy.

Gayunman, iginiit ng kagawaran na napigilan ang pagkalat ng sakit.

Nitong Agosto, matatandaang inilagay sa quarantine ang ilang barangay sa lalawigan ng Rizal matapos ang pagkamatay ng mga alagang baboy doon.

Facebook Comments