14 na bansa, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kaugnay sa laban sa mapangahas na mga aksyon ng China sa WPS

Umani ng suporta ang Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa patungkol sa pinakahuling pangha-harass ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Maria Teresita Daza, 14 na mga bansa ang naghayag ng kanilang suporta sa Pilipinas laban sa China sa bagay na ito.

Ang mga bansang ito ay ang Australia, Canada, Denmark, European Union, Finland, France, Germany, Ireland, Japan, Republic of Korea, The Netherlands, New Zealand, United Kingdom at United States of America.


Ayon kay Daza, nababahala at nag-aalala ang mga bansang ito sa nangyayari sa teritoryo ng Pilipinas.

Inaasahan aniyang darami pa ang mga bansang maghahayag ng kanilang pagsuporta sa Pilipinas.

Facebook Comments