14 na Barangay sa Buldon " Drug- Cleared" na!- PDEA ARMM

Nasa labing apat na mga barangay mula sa 15 mga barangay ang deklaradong Drug Cleared na sa bayan ng Buldon sa Maguindanao.

Itoy matapos makapasa sa matinding validation mula sa ibat ibang ahensya na kabilang sa oversight committee, kagalakang inihayag ni Buldon Mayor Abolais Manalao sa panayam ng DXMY .

Naidagdag ang mga Barangay ng Rumidas, Karim, Piers, Kulimpang, Calaan at Cabayuan habang nauna ng dineklara ang Minabay, Pantawan, Nuyo, Edcor, Dinganen, Aratuc, Ampuan at Oring.


Base sa direktiba ng DILG katuwang ang PDEA magiging clear lamang ang isang Baranggay mula sa droga kung wala ng nagsusuplay o suplay ng illegal drugs, walang Drug Den, Pusher o User, walang Drug Lab, malakas na kampanya ng mga taga Baranggay kontra droga, drug awareness campaign, at pagkakaroon ng drug treatment at rehab.

Kaugnay nito patuloy ang pagsisikap ng LGU Buldon na tuluyang maideklarang drug cleared na ang buong bayan. Puspusan rin ang kanilang mga inisyatiba para tuluyang makapagbagong buhay ang mga dating naapektuhan ng ipinagbabawal na gamot.

May 5, 2018 ng idiniklara ang karagdagang anim na barangay sa pangunguna ng PDEA ARMM.

Facebook Comments