14 NA BAYAN SA CAGAYAN, APEKTADO NG PAGBAHA; 2 PATAY

Baha pa rin ang nasa 14 na bayan sa Cagayan dahil sa naranasang pag-ulan bunsod ng bagyong Maymay.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mayroong 4,867 pamilya o 17,673 indibidwal ang apektado ang apektado sa 110 na Barangay mula sa 14 na bayan.

Bukod dito, may naitala ding dalawang indibidwal na nasawi mula sa bayan ng Buguey at Sta. Ana na kapwa mangingisda.

Samantala, hindi pa rin madaan ng mga light vehicles ang ilang daan kabilang ang Bulo-Gagaddangan road, Capanickian Sur provincial road, Capagaran-Capalutan road, Capanickian sur zone 1& 2, Daan- ili-Pacac municipal road at Binubongan-Dalayap road sa bayan ng Allacapan.

Ilang kalsada din sa sa ilang bayan ang di madaanan ng light vehicles kabilang ang Brgy. Tucalan passing road, Malinta road, ilang bahagi ng Sitio Butac road at Dungan-Nanungaran-Anungu-Anurturu-Minanga road sa bayan ng Rizal.

Facebook Comments