Labing apat na bayan sa Maguindanao ang sinasabing walang kalaban kasabay ng papalapit na eleksyon sa buwan ng Mayo.
Kabilang dito ang Buluan, Pandag, Mangudadatu, Paglat, Datu Anggal Midtimbang, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Mother Kabuntalan, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Datu Paglas, Guindolungan, Ampatuan at Talayan.
Ilang mga kumakandidato na rin pagkaboard member ang nagwithdraw ng kanilang mga kandidatura ayon pa sa Comelec Maguindanao
Inaasahang magiging mahigpit din ang laban pagka Governor sa pagitan ni LMP President Freddie Mangudadatu at ni Multi Awarded Mayor ng Datu Abdullah Sangki Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Nakakasiguro na rin para sa kanyang ikatlong termino si Vice Governor Datu Lester Sinsuat.
Sa pagitan naman ni Datu Roonie Sinsuat, Mus Sema, Bai Ranibai Dilanggalen at Jam Dumama para kongresista sa unang distrito habang sina Gov. Toto Mangudadatu at VM Nathaniel Midtimbang sa pagkakongresista sa second district.
Sinasabing walong bayan naman ang irerekomenda ng mga otoridad na isailalim sa areas of concern sa lalawigan.
Aarangkada na ang kampanya ng mga local officials sa March 29.
14 na bayan sa Maguindanao walang kalaban sa halalan, Mangudadatu kontra Mangudadatu pagkaGovernor
Facebook Comments