14 na BIFF, 4 na sundalo patay sa Operasyon sa Maguindanao, Mga naapektuhang sibilyan agad na nabigyan ng ayuda

Labing apat na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang napapatay sa nagpapatuloy na operasyon ng military sa mga boundaries ng Ampataun at Datu Hoffer Town sa Maguindanao.
Sa naging panayam kay Western Mindanao Command Spokesperson Army Major Arvin Encinas, bagaman napapasok na ng tropa ng kasundaluhan ang mga pinagtataguan ng mga armado amindao sila na nahihirapan ang mga ito dahil sa terrain ng lugar.
Target ng operasyon si Salahudin Hassan, Sub Commander ni Abu Toraife ng BIFF at sangkot sa pagpapasabog sa area ng Maguindanao. Iginiit naman ng military na kabilang sa nasawi sa operasyon ang ilan sa mga IED Maker ng BIFF.
Samantala ,4 na mga elemento ng 6th ID ang nasawi rin sa operasyon 11 ang wounded dagdag pa ni Major Encinas.
Kaugnay nito, agad naman nagpaabot ng ayuda ang Provincial Government ng Maguindanao sa higit dalawang daang pamilya na naapektuhan ng tensyon. Mismong si Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang nanguna sa relief distribution.
Tubig at food items ang ibinigay ng PGO sa mga pamilyang apektado.
Pic PGO Maguindanao

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments