14 na mga bilateral agreements ang napirmahan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at China ito ay may kinalaman sa agrikultura, imprastratura, development cooperation, maritime security, turismo at iba pa.
Ito ay kaugnay sa isinasagawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa China na magtatagal hanggang ngayong araw January 5.
Sa ulat ng Office of the Press Secretary, ilan sa mga napirmahang mga kasunduan ay ang joint action plan para sa taong 2023 hanggang 2025 na may kinalaman sa agricultural and fisheries cooperation sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at China’s Ministry of Agriculture and Rural Affairs, maging ang pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) on cooperation on the Belt and Road Initiative (BRI).
Napagkasunduan rin ng Manila at Beijing ang pagkakaroon ng handover certificate ng Philippine-Sino Center para sa Agricultural Technology-Technological Cooperation Phase III.
Nilagdaan rin ng dalawang bansa ang MOU sa pagitan ng Ministry of Industry and Information Technology ng China at ng Philippines’ Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa digital and information and communications technology (ICT) cooperation.
Ang pangulo at kanyang delegasyon ay nakatakda nang umuwi mamayang pasado alas-5:00 ng hapon matapos ang 2 araw na state visit sa China.