14 na Chinese militia vessels, muling namataan sa Julian Felipe Reef

Aabot sa 14 na Chinese militia vessels ang muling namataan sa Julian Felipe Reef na sakop ng West Philippine Sea.

Ayon kay Professor of Diplomacy and Military Science Carlo Schuster, ang tanging paalam lamang ng China ay makikisilong dahil sa masamang panahon bunsod ng bagyo.

Pero aniya, batay sa kuhang litrato ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTS) at Philippine Patrol, maaliwalas ang panahon at kalmado ang alon ng dagat kaya’t walang dahilan para sila ay manatili sa Julian Felipe Reef.


Dahil dito, nagpaalala si Schuster sa gobyerno ng Pilipinas na hikayating makapangisda ang Pilipino dahil kung walang mangingisda ay patuloy nang aangkinin ng China ang nasabing teritoryo.

Samantala, inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na dapat ang Pilipinas ang siyang nangunguna sa pagpoprotekta sa West Philippine Sea (WPS) kasabay ng pagtitiyak na nakahandang sumuporta ang Estados Unidos anuman ang kanilang magiging aksyon.

Facebook Comments