14 na firecrackers-related injuries, naitala ng DOH bago ang pagsalubong ng Bagong Taon

Umabot na sa 14 na kaso ng firecrackers-related injuries ang naitala na Department of Health (DOH) hanggang kahapon, December 30, 2020.

Ayon kay DOH – National Capital Region Director Corazon Flores, 13 sa mga naitalang kaso ay may kinalaman sa paputok habang isa ay biktima ng ligaw na bala.

Pero ayon sa ahensya, 76% itong mas mababa kumpara sa 45 kasong naitala sa kaparehong panahon noong 2019.


Habang 87% din itong mas mababa kumpara sa five-year average cases na 97 mula 2015 hanggang 2019.

Sa Metro Manila, tatlo na ang naitalang firecracker-related injuries na 71% ding mas mababa kumpara noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga dahilan ng insidente ay five star, boga, bong-bong, piccolo, baby rocket, fountain, kwitis, rebentador at whistle bomb.

Nagpatupad na ng firecracker ban ang mga Metro Manila mayor.

Facebook Comments