14 na idineklarang nuisance candidates ng COMELEC, naghain ng motion for reconsideration

Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia (3rd from left) answers queries from the press —PNA photo by Avito Dalan

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nuisance candidates na naghain ng kanilang motion for reconsideration upang tutulan ang ruling ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay kasunod ng paglalabas ng desisyon ng COMELEC kung saan 117 na aspirants o mga naghain ng kanilang certificates of candidacy noong Oktubre ang idineklarang panggulo at hindi na isasama sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mula sa anim na tumutol ay nadoble ito kahapon at nasa 14 na ang naghain ng motions for reconsiderations.


Kasama sa naghain ng mosyon ang internet personality na si Francis Leo Marcos na pangalawang beses nang susubok sa pagkasenador.

Samantala, pagkatapos maghain ng mosyon ay tatalakayin ito ng poll body at dedesisyunan.

Isa naman sa idineklarang nuisance candidate ang iaakyat ang kaniyang reklamo sa Korte Suprema.

Facebook Comments