Pumalo na sa 14 ang biktima ng paputok sa Region 1 ayon sa Department of Health-Center for Health Development Region 1.
Ang naturang bilang ay naitala mula December 21-23. Mas mataas umano ito ng 366% kumpara sa tatlong kaso na naitala noong nakaraang taon. Dagdag pa riyan, 12 dito ay mula sa Pangasinan, at tig-isa sa probinsya ng Ilocos Sur at La Union.
Anim dito ay biktima ng boga, tatlo sa five star, at tig-isa sa baby rocket, kwitis at whistle devices, at iba pa na mayroong dalawang kaso.
Ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, patuloy ang kanilang pagbabantay at monitoring sa mga maitatalang FWRI sa mga susunod na araw, kung saan tutukan din ang pagtugon sa mga maitatalang vehicular accidents.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments