Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko hinggil sa mga ipinapakalat na “propaganda” ng mga makakaliwang grupo.
Ito ay may kaugnayan sa kaso ng pagpatay sa 14 na katao sa isinagawang “Oplan Saurion”, isang joint police at military operation sa Negros Oriental.
Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – ginagamit ng mga leftist ang kasong ito upang siraan ang imahe ng pambansang pulisya.
Itinanggi rin ni Albayalde – na nagtanim ng ebidensya ang pulisya sa 12 naarestong suspek.
Muli ring iginiit ng PNP na lehitimo ang operasyon at hindi ito maituturing na massacre.
Inatasan na ni Albayalde ang Internal Affairs Service (PNP-IAS) at Directorate for Investigation and Detection Management (PNP-DIDM) upang malaman kung may paglabag bang nagawa ang mga operating units.