14 na lugar sa bansa, isinailalim sa MECQ; NCR Plus, mananatili sa GCQ hanggang June 15

Isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang 14 na lugar sa bansa bunga ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang mga lugar na inilagay sa MECQ mula June 1 hanggang 15.

1. City of Santiago, Isabela
2. Cagayan
3. Apayao
4. Benguet
5. Ifugao
6. Puerto Princesa City
7. Iloilo City
8. Zamboanga City
9. Zamboanga Sibugay
10. Zamboanga del Sur
11. Zamboanga del Norte
12. Cagayan de Oro City
13. Butuan City
14. Agusan del Sur


Mananatili pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) with restrictions hanggang June 15 ang NCR Plus bubble na binubuo ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Ang ilang lugar sa bansa ay inilagay sa GCQ hanggang katapusan ng Hunyo:

Baguio City
Kalinga
Mountain Province
Abra
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Batangas
Quezon
Iligan City
Davao City
Lanao del Sur
Cotabato City

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ para sa buong buwan ng Hunyo.

Facebook Comments