14 na lugar sa NCR, nasa “safe level” na ang healthcare utilization rate – OCTA

Aabot sa 14 na lugar sa Metro Manila ang nasa safe level na ang Healthcare utilization rate (HCUR) habang tatlo ang nasa moderate level.

Ayon sa OCTA Research, ang HCUR sa National Capital Region (NCR) ay nasa 4% habang ang Intensive Care Unit (ICU) occupancy ay nasa 57% nitong Mayo 15.

Kabilang sa 14 lungsod na bumaba ang HCUR ay ang mga sumusunod:


• Navotas – 20%
• Pasay – 22%
• Mandaluyong – 26%
• Malabon – 27%
• Caloocan – 33%
• Parañaque – 36%
• Manila at Taguig – 39%
• Marikina – 42%
• Muntinlupa – 43%
• Pateros – 50%
• San Juan – 52%
• Las Piñas – 53%
• Pasig – 58%

Ang tatlong lugar naman na nasa moderate level ay ang Makati na may 69%; Quezon City na may 63%; at Valenzuela na may 60%.

Facebook Comments