Umabot sa 14 na mga pampublikong sasakyan ang nabigyan ng traffic violation ticket o temporary operator’s permit sa ikinasang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa Commonwealth, Quezon City ngayong araw, Abril 11
Mula sa nasabing bilang, 12 dito ay mga pampublikong sasakyan na binigyan ng TOP dahil sa excess passenger, isa ang unauthorized accessories, at isa ay unregistered topload.
Ayon kay Ret. Col. Jose Manuel Bonnevie, team leader ng nasabing operasyon ito ay kanilang tugon sa mga natatanggap nilang reklamo mula sa mga concerned citizen kaugnay sa mga pampublikong sasakyang na hindi sumusunod sa ipinatutupad na traffic rules.
Aniya, naging maayos naman ang kanilang ginawang operasyon at walang mga untoward incident na nangyari.
Paalala niya sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan na sumunod nalang sa mga ipinatutupad na batas trapiko at health protocols laban sa COVID-19 upang hindi na maabala ang kanilang biyahe.