Nagkasa ng Operation “Paglalansag Omega” ang Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) na nagresulta sa pagkaka aresto ng 5 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front sa Brgy. Población, Talayan, Maguindanao del Sur kamakalawa.
Kinilala ni CIDG Director, PMGen Romeo Caramat Jr., ang mga naaresto na sina alyas Basir, alyas Ismael, alyas Ari, alyas Ibrahim at isang alyas Zaldy.
Ayon kay Caramat, nagresulta ang ikinasang buy-bust operation sa engkwentro sa pagitan ng CIDG at mga rebelde.
Matapos ang sagupaan, sugatan sina Ibrahim at Zaldy na agad namang dinala sa Datu Odin Sinsuat District Hospital subalit si alias Zaldy ay idineklarang dead on arrival.
Sa paunang imbestigasyon, ang napatay na si alyas Zaldy ay Battalion Commander ng Inner Armed Based Command, Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF.
Nakuha sa mga ito ang matataas na kalibre ng baril.
Samantala, ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa paglabag sa RA 10591 (Unlawful Sale of Firearms and Ammunition and Possession of Unlicensed firearms.)