
Pansamantalang isinara ang 14 na national roads sa Cordillera Administrative Region, Region 1, Region 2 at Region 7 sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa pinagsanib na epekto ng Bagyong Opong at habagat.
Ang mga apektadong kalsada ay matatagpuan sa Apayao, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Dagupan, Pangasinan, La Union, Cagayan, Isabela at Eastern Samar.
Isinara ang mga ito dahil sa posibilidad ng pagbabaha, pagguho ng lupa, at pagbagsak ng mga bato at puno sa kalsada.
Samantala, may limang kalsada naman na limitado para sa mga sasakyan gaya ng Apayao (Calanasan)-Ilocos Norte Road, Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlida Road-San Emilio-Quirino Road, at Pililla Junction-Jala-Jala Road na passable lamang sa maliliit na sasakyan.
Habang sa Urdaneta Junction-Dagupan-Lingayen Road at Calamba-Santa Cruz-Famy Junction Road naman ay malalaking sasakyan lamang ang makakadaan dahil sa posibilidad ng pagbaha.
Samantala, halos 384 na personnel na may 75 equipment ang in-deploy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para masiguro ang mabilis na clearing operation sa mga apektadong kalsada.








