Nagpositibo sa COVID-19 ang 14 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi sa Cebu City noong April 28.
Sila ay bahagi ng mahigit 200 OFWs na na-stranded sa Maynila at pinayagang makabalik sa kani-kanilang probinsya nitong nakaraang linggo.
Bago bumiyahe sa Cebu, sumailalim sa 14-day quarantine at rapid testing procedure ang mga OFW.
Samantala, muli silang isasailalim sa 14-day quarantine sa isang hotel sa Cebu.
Facebook Comments